Saturday, October 17, 2015

Napapanahong Isyu

Kahirapan

                        Ang kahirapan ay isa mga isyu at  mga problema ng ating bansa. Kapag naghihirap ang isang bansa, ang mga namumuno kaagad ang nasisisi. Ang gobyerno nga ba ang may kasalanan sa kahirapan ng ating bansa o tayong mga Pilipino din ang dahilan ng kahirapan? Ito ang mga tanong kung bakit naghihirap ang ating bansa. 


Ito pa ang ibang mga dahilan kung bakit nananatiling naghihirap ang bansa natin:

  • Kakulangan ng pagtutulungan
  • Kakulangan ng disiplina ng mga tao
  • Kakulangan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga halaman at hayop
  • Nabalitang korapsyon
  • Pagtago ng pera ng ilan at hindi pinaiikot
  • Ginagamit sa masama ang pera at hindi sa kapakanan ng iba
  • Krisis
  • Digmaan
  • Pagmamalabis
  • Maling pagtrato sa mahihirap 

            Kung ipagpapatuloy pa natin ang ganitong pag uugali, mahihirapang umunlad ang ating bansa. Kung hindi tayo magtutulungan, hindi natin masosolusyunan ang paghihirap ng ating bansa. Isipin din natin ang ating kapwa at wag puro sa ating sarili.Kaya lang naghihirap ang ibang tao ay gusto nilang magkapera at hindi nila iniisip ang tumulong. Malaking bagay din ang pagkakaroon ng disiplina dahil kung wala tayo nito ay wala tayong mararating sa buhay natin. 

         Tigilan natin ang pagkakaroon ng walang disiplina, kung walang magandang nangyayari sa atin ay wag nating isisi sa gobyerno. Yun lang ang hirap sa ating mga Pilipino, sinisisi natin ang gobyerno sa lahat ng masasamang nangyayari sa ating bansa at hindi na natin nakikita ang mga nagagawa natin bilang tao.

              Makipagtulungan nalang tayo sa ating kapwa at wag natin sisihin ang gobyerno. Gawin natin ang tama at maraming magagandang bagay ang makukuha natin.Disiplina lang talaga ang kulang sa atin, uunlad ang ating bansa kung meron tayo nito. Matatanggal natin ang kahirapan sa ating bansa. Kaya gawin natin ang lahat ng bagay na makakatulong sa ating bansa.



No comments:

Post a Comment